i may be unfair for saying this..but here it goes..
you really did disappoint me dear friends. i never thought that i'd even get this treatment from you guys because i never left your side..sa araw araw na magkakasama tayo..sinong hindi masasaktan..akala ko tama na yung sakit na nararamdaman ko pero naisip ko kung bakit ako mag-isa nung mga panahong yon..grabe. hindi ako umalis sa tabi nio nung kailangan nio ako pero ngayong kayo naman ang kailangan ko, nanahimik lang kayo. ni simpleng text..wala. pinatunayan nio lang sakin na hindi ko kayo maasahan pag kailangang kailangan ko kayo. hindi ko binabalewala yung mga bagay na nagawa nio para saken..ang laki lang talaga ng latak na ginawa nio at hindi ko rin kayo sinisisi..iintindihin ko kayo kasi alam ko namang kanya kanya tayong may mga inaalala sa ngayon..nagkataon lang na hindi ako dapat pagkaabalahan. i learned from this bitter experience. hindi ako dapat apektado dahil mas malaki ang problema ko eh..kaso importante kayo sakin kaya masakit. kaya sa susunod, hindi nalang ako aasa na makikita ko yung mga mukha nio sa tabi ko pag may problema ako. bumaba kasi ang tingin ko sa sarili ko..i feel like the lesser friend para hindi manlang bigyan ng konting oras. well, salamat parin dahil kaibigan ko kayo pero siguro sa ngayon i'm building this wall para sa susunod hindi na ako apektado tulad ngayon..mas nakakaiyak kasi eh..hindi ko rin kayo sisisihin kung hindi ako kasing importante ng ibang tao sa buhay nyo. sana lang talaga..pinakita nyo manlang na may pakialam kayo.
you'll think of many things but not me..you'll feel that you'd rather be with someone else but me..and you'll be making lots of memories with people you care about but not with me. it fucking hurts a lot but i'd rather stay silent and hurt than bother you any more.
tama na teara
wag mo na balikan yung mga naiwan mo
minsan ka nang bumigay sa kahinaan mo
hindi ba dapat mas malakas ka na ngayon?
wag ka na magsayang pa ng mga luha mo
magpahinga ka muna, pagod ka pa
pag nakabangon ka na tska mo uli subukan
dahil hindi pa ngayon ang tamang pagkakataon para ibaon mo uli ang sarili mo sa sakit
baka yan ang ikamatay mo ng tuluyan
wag mo muna ilaan sa kania ang mga damdamin mo
may buhay ka pang aayusin
magpalakas ka ulit at baka sakaling sa susunod
eh kaya mo na uling magmahal
mag-isip ka teara..
...
kung ayaw mo masaktan..
isara mo ang puso mo..
parang awa mo na.
kailangan ko ng mapaglalabasan ng mga katangahan ko sa buhay..
eto na ba yon?
ang sarap sanang sabihin na mahal kita..
kaso hindi eh..
kahit minsan gusto ko..
hindi parin..
mas maganda na sigurong ganun na lang. apir!
Dire shame;
That, by which the world knows,
Such the opposite that fools
Not ever and never; innocuous.
I dare not blame spotless: you
He and she and they and you
There, past before twilight,
More and desolately;
Exult least for triumph
Fire has yet beget
A valiant; assail.
That least genuine,
Play the mockery,
The dreadful sham;
How life lured us into conviction
That journey has shadows of plight.
Bled most of the many that sought
But the least wandering,
Dazed in shock
As the stray, unknown, be;
That which conceive
Darkness in the light
Bare and helplessly enduring
To them and you more so to me;
A malevolent in millions and more
The presence of life’s lie,
We have been least the stranger.
To that fiend hell left astray.
The irony is that which
The ruler of hell,
Is with the brand of heaven
With what grandeur
Can heaven impart now,
It is tainted in foul existence of you.
Dear unfortunate:
He and she and they and poor me;
Awake, weary of our dismay.
Still clueless: they
Lies the unknowing
The innocent as life may
Be the ill-fated at midst.
Yet another; pity you
Euphoria be ever concealed
Welcome not doubt
Heaven is enraged!
Ever since the pathetic brute
Is masked with the end of heaven--
January 24, 2007
isang maraming pagkakamali
at ang mga sinayang na sandali
nakalimot na nga ba at namanhid
o di kaya'y umiwas lang ng saglit
pilit iniiwan ang bawat bahagi ng kahapon
ang nakaraang dumurog sa himlayan ng damdamin
at ang tanging nakabatid sa kahinaan ko
bigong nagtatago sa liwanag ng mga tala
kahit iwasan
ang pagkakapako ay sadyang malupit
ang tanging nagawa ay pumikit
panandaliang namahinga
bumalik sa panahon bago lumayag ang bangkang papel
bukas ang panibagong kahapon
di ko namalayan ang sundong nag-aabang
umangkas sa pagsikat ng araw
di mapigilan ng pusong nagmamakaawa
ang oras na nakatakda
at sa muli't muli--
ikaw at hindi ako.
hindi ako pero ikaw..
ako na hindi ako dahil ikaw...
ikaw dahil ako....
inutil!
kahapon..kasama ng malakas na pag-ihip ng hangin..ang pagbalik ng nakaraan..yung masaklap na yugto ng buhay ko na pilit ko nang kinalimutan..tulad ng dati..wala nanaman akong maintindihan..kung bakit..at pano..hindi pa natapos jan..isang pelikula..at ang UNA..tila may ibig sabihin..nagsama-sama ang mga bagay na di dapat..yung mga bagay na para sa kanya lang..
siya nanaman..ayoko. tama na.
isa nanamang pasko..mas naramdaman ko na pasko di tulad nung isang taon..kung tatanungin mo ko ngaun kung naaalala ko pa yung mga nangyari nung pasko nung isang taon, titig ko lang ang matatanggap mo..siguro ung mga inuman pwede pa..dun ko lang kasi nakakalimutan na may problema ako..pero iba ang pasko ko ngaun..malayong malayo..ibang iba..period! masaya at masarap balik-balikan ang pasko ko ngaung taon..kahit na sumasaglit xa sa utak ko e nagagawa ko paring maging masaya..ayos. para sa isang tamad na katulad ko, mas madaling gumawa ng summary na bulleted tulad nito:
-- Dec.24..hhmm..ang "bisperas"..ang kinagawiang pagsisimba..akala ko nagsimula na yung misa dahil aaminin kong mejo late tlga kami..pero sakto lang pala ang pagdating ko..hinanap ko agad ang mga pinsan ko pagdating sa simbahan..wala pa sila..naisip ko na di magtatagal e mapupuno rin ung mga upuan kaya minabuti ko nang ipag-save sila ng puwesto kaya humiwalay muna ako sa magulang ko..40 mins na ang nakakaraan..wala parin sila..wala pang kalagitnaan ng misa ng ganung lagay!..naisip kong baka sa ibang simbahan nalang sila ngaung taon magsisimba kaya umupo na ako sa tabi nila mama..maya maya may kumalabit..dumating na sila..ang aga! haha..naabutan pa naman nila ang homily..ang napansin ko lang sa homily ng pari e pare parehas ang sinasabi nia..sa tinagal tagal na niang naging pari sa amin e hindi na mabilang kung ilang beses niang nirecite ang kanyang homily na yun at yun parin ang sinasabi..sige, sabihin nalang natin na gusto lang talaga nia ipaalala ang kaniang mensahe sa mga tao..yun yon. matapos ang misa, dumirecho na kami sa bahay ng ninang ko kung saan kami nagsasama sama tuwing bisperas..noche buena..kainan..salo salo..shet..ang sarap..pagkatapos ng kainan..panay naman ang kwentuhan namen habang umiinom..maya maya..may naglabas ng magic sing..sa totoo lang..di mo ako mapapakanta..pero dahil nadala narin ako sa kabaliwan ng mga kasama ko e nauto rin nila ako..haha! ang bilis ng oras..uwian na pala--maniwala nalang kayo na uwian agad para maka-move na ko..haha!
-- Dec.25..kahit ang pasko e hindi ako napigilan..tanghali nanaman ako nagising..sa totoo lang..hindi naman ako "nagising".."ginising" ako dahil tanghali na at dun naman ako sa bahay ng ninong ko ang kainan..as usual..kami kami nanaman ang magkakasama..pagkatapos nun..sa town ang bagsak namen..nagikot-ikot..nag-shopping yung pinsan ko ng regalo nia sa kapatid nia..ako naman..bag lang ang nabili..sandali lang kasi kami dun..matapos ang isang round sa mall e nag-starbucks naman kame..tinalo pa ng pila sa starbucks ang pila ng mga studio contestants sa wowowie sa haba..nagkataon pang mejo mabagal ang tao sa counter na pinilahan namen..hay hay..madilim na nun kaya umalis na kami..at hindi pa dun natapos ang araw namen..dumaan pa kami sa bahay ng isa ko pang ninang para kumaen..uminom..kumaen..uminom..kami kami parin ang magkakasama..sa ibang venue nga lang..ang dami ring napagusapan pero isang lang ang tumatak sa utak ko..yung tungkol sa kabit ng boss ng tita ko..nakakatuwa pala sila magchismisan..haha..hindi ko na namalayan kung anong oras na kami nakauwi non pero talagang gabi na..pag-uwi ko sa bahay nanood pa ako ng tv hanggang antukin ako..
so far e yan ang summarized version ng mga pangyayari sa pasko ko ngaun..hindi ko alam kung wala ako sa mood magkwento ngaun o talagang lunod nanaman ako sa katamaran ko..malamang parehas..sa ngaun..iniisip ko kung paano aayusin ang multiply site ko..kaya siguro..ang daming gustong iparating sayo ng utak ko kaso dulot nga ng "mood" ko na nag-day off muna kaya ipagpapaliban ko muna ang mga sasabihin ko..
maligayang pasko.. =) read more
on pasko[2006]